Nauwi sa pagkatalo ang unang laban na pinangunahan ng big-4 ng Los Angeles Clippers kontra New York Knicks, na nagresulta sa 111 – 97 win ng Knicks.
Nagsama-sama sina NBA Star James Harden, Paul George, Russell Westbrook, at NBA Champion Kawhii Leonard, upang pangunahan ang starting-5 ng Clippers habang nagsilbing Sentro ang bigman na si Ivica Zubac.
Gayonpaman, hindi pinalad ang mga ito na ipanalo ang naturang laro, matapos silang tambakan ng Knicks sa 4rth quarter ng kanilang naging banggaan.
Nalimitahan lamang sa 9 points si Paul George, 18 points kay Kawhi, 17 points kay Harden habang 18 points naman kay Westbrook, na may kabuuang 62 points mula sa apat na kinikilalang NBA stars.
Sa panig ng Knicks, nagawa ni Juluis Randle na magbuhos ng 27 points at umagaw ng sampung rebounds, habang 26 big points at anim na rebound ang kontribusyon ni RJ Barrett.
Nag-ambag din ng double-double performance ang sentro ng Knicks na si Mitchell RObinson, sa kanyang 13 points 13 rebounds.
Maalalang sa mga nakalipas na araw ay ginulat ni James Harden ang mundo ng NBA matapos siyang mapunta sa Clippers mula sa Philadelphie 76ers na dati na rin niyang naka-tampuhan.
Dahil dito, ang apat na star ng Clipps – Harden, Westbrook, George, at Kawhi, ay magkakasama na sa Clippers.
Sa loob ng pitong games, hawak ng Clippers ang tatlong panalo at tatlong pagkatalo habang ang New York ay may kartadang tatlong panalo at apat na pagkatalo.