-- Advertisements --

Naging mapayapa ang unang araw ng voter’s registration.

Sinabi ni Commission on Election (Comelec) spokesman Atty. John Rex Laudiangco, na walang anumang naranasan na aberya ang mga field offices sa pagsisismula ng nasabing unang araw ng pagpapatala.

Ilan sa mga lugar na nagtala ng maraming mga regitrants ay mula sa National Capital Region, Cordillera Autonomous Region (CAR), BARMM, Region 2, 3, 4-A, 5, 6 at 12.

Karamihan aniya sa mga pumila ay nasa edad 15-17 na unang botante para sa Sangguniang Kabataan sa buwan ng Disyembre.

-- Advertisement --

Magtatapos ang voters registration hanggang Hulyo 23 kung saan mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon ito sa iba’t ibang city at municipal Comelec offices.