Bibisita ngayong araw sa Palasyo Malakanyang si United Nations Special Rapporteur Irene Khan.
Nakatakdang makipagpulong ang opisyal kay Executive Secretary Lucas Bersamin.
Sa isang pahayag, sinabi ng Presidential Task Force on Media Security na magaganap ang naturang pagpupulong mamayang alas 4:00 ng hapon.
Kung maaalala, si Khan ay nasa Pilipinas para sa sampung araw na pagbisita na may layuning magsagawa ng pagtataya sa human rights mechanism ng Pilipinas.
Kabilang na rito ang freedom of opinion and expression.
Samantala, hindi naman nabanggit ng Presidential Task Force on Media Security kung ano ang mga nakalinyang agenda na pag-uusapan ng dalawang opisyal.
Hindi rin malinaw kung tatalakayin nila ang ang isyu sa illegal drug campaign ng nakaraang Administration ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.