-- Advertisements --

Nanawagan si United Nation Secretary General Antonio Guterres sa Russia na ibalik ang Black Sea grain export deal.

Ito ang laman ng talumpati ni Guterres sa UN Food System Summit na ginanap sa Rome.

Dagdag pa nito na gumagawa ito ng paraan para maibalik ang nasabing kasunduan ng ang mga trigo at fertilizers na galing sa Russia at Ukraine ay mapunta sa ibang mga bansa.

Kapag hindi aniya ito natuloy ay makakaranas ang mga bansa mataas na presyo ng mga pagkain at trigo.

Umaasa pa rin ito na mapag-aralan ng Russia ang kanilang proposal ukol sa nasabing usapin.