-- Advertisements --
Itinalaga ng United Nations Security Council si Sigrid Kaag bilang Gaza humanitarian relief coordinator.
Si Kaag na nagbitiw bilang deputy prime minister ng the Netherlands matapos ang anunsiyo ay siyang mangangasiwa sa humanitarian shipments sa Gaza.
Ayon sa UN na siya ang mag-facilitate, coordinate, monitor at mag-verify ng humanitarian relief consignments para sa Gaza.
Gagawa rin ito ng mekanismo para mapabilis ang pagbibigay ng mga tulong sa residente ng Gaza.