-- Advertisements --
Nagpahayag naman ng pagkabahala ang United Nations sa tensyon na nagaganap sa Red Sea.
Ayon kay UN Secretary General Antonio Guterres, na nararapat na tigilan na ng Yemen ang pag-atakeng ginagawa ng mga Houthi rebels sa mga barkong dumadaan doon.
Hinikayat din nito ang Israel at Hamas militants na tugunan ang two-state solution na isinusulong ng ibang mga bansa.
Magugunitang pinaigting ng US ang kanilang presensiya sa Red Sea dahil sa patuloy na pag-atake ng Houthi rebels na suportado ng Iran.