Ikinaalarma ng UN ang muling pang-aatake sa Ukraine’s Zaporizhzhia nuclear power plant.
Nagsisihan pa ang Ukraine at Russia kaugnay sa ginawang pang-aatake ng nasabing planta.
Sinabi ng bawat panig na mayroong 10 tama sa opisina at istasyon ng bumbero sa pinakamalaking planta ng kuryente sa Europa.
Sa isinagawang pagpupulong ng UN Security Council upang talakayin ang sitwasyon, ang pinuno ng nuclear watchdog nito, si Rafael Grossi, nagbabala na ito ay isang “grave hour”.
Sinabi rin ni UN Secretary General António Guterres na maaari itong “magresulta sa kapahamakan”.
Ang China at US ay parehong nanawagan para sa mga eksperto ng UN na payagang agarang bumisita sa planta, ngunit ang mga kahilingan na ito ay hindi pa naaaksyunan.
Nauna rito, nanawagan din ang US para sa isang demilitarized zone na itatag sa paligid ng planta.
“Ang pakikipaglaban malapit sa isang nuclear plant ay mapanganib at isang iresponsable na hakbang.
Napag-alaman na ang Zaporizhzhia nuclear power plant ay ang pinakamalaking nuclear power plant sa Europe at kabilang sa 10 pinakamalaking sa mundo.