-- Advertisements --
Plano ng United Nations na magpadala ng kanilang mga mission team sa Al-Shifa Hospital.
Ito ay para mabigyan ng tulong medical ang mga tao na naipit sa kaguluhan.
Ayon sa Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA) na ito ang kanilang hakbang na gagawin matapos na tinapos na ng Israel ang 14-na araw na paglusob sa pinakamalaking pagamutan sa Gaza.
Tinatayang nasa 300 mga bangkay pa ang nasa loob ng pagamutan kung saan maraming mga bahagi ng pagamutan ang labis na nasira dahil sa ginawang paglusob ng Israel Defense forces.