-- Advertisements --
Ikinabahala ng United Nations ang hamon na kinakaharap ngayon ng mga mamamayan ng Yemen dahil sa patuloy na labanan.
Ayon sa United Nations, na mayroong mahigit 112,000 na mga katao ang nawalan ng tirahan dahil sa labanan.
Dahil dito ay maraming mga mamamayan ang nagkakasakit lalo na ang mga bata kung saan dinapuan na sila ng dengue, cholera at malnutrisyon.
Nahaharap din ng kakulangan ng pondo ang UN agencies at limitado ang kanilang suplay na pantulong sa mga mamamayan ng Yemen.
Magugunitang nagkaroon ng labanan ang mga sundalo ng Yemen at ang Houthi rebels na nagtangkang kontrolin ang gobyerno.
















