Tinawag ng Pyongyang ang bagong hinirang na UN special rapporteur ng North Korean human rights na “puppet” ito ng Amerika.
Lumabas ang mga akusasyon nang bumisita si Elizabeth Salmon sa Seoul sa kanyang unang paglalakbay mula nang italaga sa tungkulin noong nakaraang buwan.
Si Salmon, isang Peruvian professor of international law ay nagkaroon ng serye ng mga pagpupulong sa mga opisyal ng South Korea at mga miyembro ng civic group upang talakayin ang sitwasyon sa North Korea.
Itinatag ng UN ang espesyal na tagapag-ulat sa mga karapatang pantao ng North Korea noong 2004 habang ang mga internasyonal na alalahanin ay lumaki sa mga paratang ng malalang paglabag sa reclusive state.
Wala sa mga special envoys ang nabigyan ng access sa bansa para sa isang fact-finding mission.