Bumiyahe na ang International Atomic Energy Agency (IAEA) inspectors patungong o Zaporizhzhia nuclear power plant sa southern Ukraine.
Ayon kay AEA Chief Rafael Mariano Grossi na mayroon 13 mga miyembro ang kasama na mula sa neutral countries.
Dagdag pa nito na hind sila magpapapigil sa pagbisita kahit na mayroong panibagong mga rocket attacks ng Russia sa nasabing lugar.
Sa kanilang pagtungo sa lugar ay nais nilang makita ang kalagayan ng pasilidad ganun din ang kalagayan ng mga manggagawa ng planta.
Maluwag naman na tinanggap ng Russia ang pagtungo doon ng mga inspectors subalit tiniyak nila na kanilang poprotektahan ang mga lugar na kanilang nasakop na.
Magugunitang nanawagan ang Ukraine sa mga bansa na dapat palayasin na nila ang mga Russia sa mga sinakop nilang mga lugar.