Pinabulaanan ng tagapagsalita ng Kamara de Representantes ang umano’y pagdidikta ni House Speaker Martin Romualdez sa mga mambabatas.
Ito ay kasunod ng binatawang pahayag ni Senate President Francis “chiz” Escudero na sunud-sunuran ang mga mambabatas
sa House Speaker.
Subalit, nauna naman ng pinalagan ng ilang mambabatas ang paratang na dinidiktahan sila ni Speaker Romualdez.
Sa pulong balitaan ngayong Martes, mariing nilinaw ni House spokesperson Atty. Princess Abante na walang maaaring
magdikta at mag-utos sa 350 na miyembro ng kamara na hinalal ng taumbayan.
AV- House Spox Atty. Princess Abante
Ilan nga sa mga mambabatas na pumalag sa alegasyong dinidiktahan sila ng liderato ng Kamara ay sina Manila Rep. Rolando Valeriano na sinabing bibihira lamang niya makausapa ang House Speaker at ang kaniyang paglagda sa impeachment ay hindi idinikta ni Romualdez kundi ito aniya ay dikta ng kaniyang constituent.
Tinawag naman ni Bataan Rep. Geraldine Roman na walang basehan ang pahayag ni SP Escudero dahil ang mismong HS pa aniya ang nagsabi na antayin ang desisyon ng Senado kaugnay sa impeachment laban kay VP Sara Duterte.