DAVAO CITY – Umakyat na sa 6 ang naitalang namatay sa cholera outbreak sa bayan ng Caraga, Davao Oriental.
Samantala, batay sa pinaka-huling talaan ng Provincial Health Office as of February 7, 2022 umabot na sa 491 ka tao ang nagkasakit, kung saan 230 nito ay nanatili pa ring sa mga ospital.
Inihayag ni Dr Reden Bersaldo, provinciapl health officer ng Davao Oriental, magsasagawa sila ng survey sa bawat bahay na apektado ng outbreak upang malaman ang hydration status ng mga residente nito.
Matatandaan na sa ginawang test ng Department of Health Davao Region, positibo sa Cholera ang mga samples na kinuha mula sa mga biktima na nagkasakit nga diarrhea simula noong nakaraang linggo.
Samantala, magsasagawa rin ng massive emergency health response ang lokal na pamahalaan upang kaagad na mabigyan ng aksiyon ang naturang cholera outbreak.
Nagpadala na rin ng karagdagang mga doktor, nurses at medical staff sa naturang lugar upang mapigilan ang pagkalat pa ng waterborne disease.
Pinag-aaralan na din sa ngayon kung isasailalim sa state of calamity ang naturang lugar.










