-- Advertisements --

Muling nanawagan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa mga bansa na tulungan sila ng kanilang air defense system.

Kasunod ito sa ginawang missile attack ng Russia sa Kulpansk district, Ukraine na tumama sa isang grocery store at ikinasawi ng mahigit 50 katao.

Sa personal na pagbisita sa Spain ni Zelensky ay nakipagpulong ito kina Spanish Prime Minister Pedro Sánchez at German Chancellor Olaf Scholz.

Sa nasabing pulong ay nangako ang Spain na magbibigay sila ng anim na Hawk system habang ang Germany ay pinag-aaralan nilang magbigay ng mga Patriot Systems.