-- Advertisements --

Nanawagan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa kanilang Western allies na pagtibayin ang Ukrainian air shield bilang kanilang depensa upang maprotektahan ang mga tao mula sa ‘drone attacks’ na isinasagawa ng Russia.

Ayon sa Ukrainian President, patuloy pa rin daw ang Russia sa pakikidigma at pag-atake sa mga sibilyan.

Sa ulat ng Ukraine’s air force, pinabagsak nito ang 14 o 17 drone na inilunsad ng Russia sa nakalipas na magdamag.

Ang nasabing pag-atake sa Ukraine ay nagdulot ng pinsala at kabilang sa mga biktima nito ay ang apat na buwang sanggol at 3 taon na bata.

Matatandaan na nagpakawala na rin ng libo-libong drones ang Russia simula noong lumusob ito sa Ukraine, dalawang taon na ang lumipas.