-- Advertisements --
Tiniyak ni Ukrainian WBA, WBO, IBF at IBO champion Oleksandr Usyk na gagawin niya ang lahat ng makakaya para manalo laban kay Tyson Fury ng Britanya.
Napanatili kasi ng 35-anyos na Ukrainian ang kaniyang heavyweight title matapos na talunin noong Agosto si Anthony Joshua.
Dahil sa panalo ay hinamon niya si Fury para sa WBC title.
Wala ng nais umano si Usyk na makalaban kung hindi si Fury para masungkit ang WBC belt nito.
Bilang paghahanda ay maaga siyang magsanay kung saan gagawin niya ang lahat ng makakaya para manalo.