-- Advertisements --

Tinapos na ng Ukrainian forces ang “combat mission” sa besieged city ng Mariupol.Ipinag-utos ng Commanders ng unit na naka-stationed sa Azovstal steelworks plant na isalba ang buhay ng kanilang mga sundalo.

Nitong Lunes, nasa 264 Ukrainaian fighters ang nailikas mula sa Azovstal steelworks plant, ang nagsilbing huling Ukarinaian resistance sa southern city na dumanas ng walang humpay na pambobomba ng Russian forces.

Inilarawan ni Ukraine’s Deputy Defense Minister Hanna Malyar ang evacuation operation at sinabing may ilan pang Ukrainian forces ang naiwan sa steel plant.

Nasa 53 ang matinding nasugatan ang nailikas na mula sa planta sa isang medical facility sa Novoazovsk para sa atensyong medikal habang mayroon pang 211 katao ang dinala sa Olenivka sa pamamgitan ng humanitarian corridor.

Nauna rito, sinabi ng Russian Defense Ministry na nagdeklara ng ceasefire sa kabisera para sa paglikas ng mga sugatang sundalo ng Ukraine.