-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Ukrainian army na natamaan ng kanilang rocket ang Federal Security Service (FSB) base na ginagamit ng Russia sa Kamianka-Dniprovska ng Zaporizhzhia region.
Ayon sa Ukraines Defense Intelligence division, na ginagamit umano ng Russia ng isang gusali doon para doon itago ang balota na gagamitin nila sa halalan.
Hindi pa nila tiyak kung ilan na ang nasawi sa nasabing rocket attack.
Magugunitang patuloy ang ginagawang pagbawi ng Ukraine sa mga lugar na sinakop na ng Russia.