-- Advertisements --

Dumating na sa bansang Jordan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Sinabi nito na magkakaroon siya ng mga mahalagang pagpupulong kaya ito nasa Jordan.

Ito na ang pangatlong bansa na binisita ng Ukrainian president.

Dahil noong nakaraang mga araw ay nasa Qatar ito at Saudi Arabia.

Dagdag pa nito na security ang layon ng nasabing pagbisita nito.

Kasama na ang pagtuturo nito ng kanilang drone para labanan ang pag-atake ng Iran.

Nakilala ang Ukraine sa kanilang drone na ito ang ginagamit sa panlaban sa pag-atake ng Russia sa loob ng apat na taon na pag-atake.