-- Advertisements --

Isinulong ni Ukraine President Volodomyr Zelensky sa kaniyang pagharap sa UN Security Council na itiwalag ang Russia mula sa grupo at bumuo ng isang tribunal para imbestigahan anf actions ng Russian military sa Ukraine mula ng sumiklab ang giyera noong Pebrero 24 ng kasalukuyang taon.

Iginiit ni Zelensky sa konseho na walang karapatan ang Russia na makibahagi sa pagtalakay at pagboto kaugnay sa giyera sa Ukraine kung kayat hinikayat nito ang Security Council na ma-deprive mula sa veto power ang delegasyon ng tinawag niyang terrorist state.

Subalit sinabi naman ni Russian Deputy U.N. Ambassador Dmitry Polyanskiy, na ang pagharap ni Zelensky sa pmamagitan ng isang video address ay nakapagpababa umano sa authority ng UN body na in-carge sa pagmintina ng international peace at security.

Hindi dapat na maging isang platform para sa remote public relations (PR) campaign ang UN Security Council para kay President Zelensky upang makakuha ng mas marami pang armas pandepensa mula sa mga miyembro ng NATO .

Ang pagpupulong ng UN council ay kasunod ng missile strike ng Russia sa isang shopping mall sa Central Ukraine kung saan nasa 18 katao ang nasawi.

Itinanggi naman ng Russia ang naturang missile attack.