-- Advertisements --
Labis ang pasasalamat ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky matapos na aprubahan ng mga mambabatas sa US ang dagdag na funding package.
Sinabi nito na ang pag-apruba ng US senate ng $40 bilyon ay makakatulong ito sa panunumbalik ng kapayapaan at seguridad sa Ukraine, Europe at sa mundo.
Matitiyak din ang pagkatalo na ng Russia matapos ang ginawa nilang paglusob.
Magugunitang inaprubahan na ng US Senate ang $40-B na tulong sa Ukraine na siyang pinakamalaking aid package mula ng lusubin ng Russia ang Ukraine.
Kinabibilangan ito ng military, economic at humanitarian assistance sa Ukraine.
Sa naging botohan sa US ay nakakuha ng 86 ang pumabor at 11 ang kumontra.