-- Advertisements --
Nabawi ng Ukraine ang bayan ng Urozhaine sa silangang bahagi ng Donetsk region.
Ayon sa Ukrainian mlitary na nanguna ang 35th Separate Marine Brigade at 38th Marine Brigade para tuluyang palayasin ang mga Russian forces na sumakop sa nasabing lugar.
Matapos na mabawi nila ay naglagay sila ng watawat ng Ukraine bilang patunay ang muli nilang pagkakabawi sa nasabing lugar.
Kasabay din nito ay inako na rin ng Ukraine na sila ang nasa likod ng pag-atake sa tulay sa Crimea ang lugar na inangkin na ng Russia.
Sa nasabing atake noong Hulyo 17 ay gumamit umano ang Ukrainian forces ng isang experimental drone.