-- Advertisements --
Inilabas ng Ukrainian military sa unang pagkakataon ang video ng paggamit nila ng kamikaze drones na tinarget ang mga Russia.
Ayon sa Ukrainian military na ang nasabing drone ay armado ng malakas na uri ng pampasabog.
Lagi aniya silang gumagamit ng mga drones tuwing mayroong paglusob ang Russia.
Galing umano sa ibang mga bansa ang nasabing mga drones.
Magugunitang nagpadala ang US ng 100 Switchblade drones sa Ukrainian military noong Abril.
Ang maliit na portable na tinawag na Kamikaze drones ay nagdadala ng warheads na may matinding epekto kapag sumabog.
Kaya umanong tamaan ang target ng hanggang anim na milya.