-- Advertisements --
Itinanggi naman ng Ukraine na sila ang nasa likod ng rocket attack sa palengke ng Russian-controlled city na Donetsk.
Ang nasabing pag-atake ay ikinasawi ng 28 katao at ikinasugat ng mahigit 30 iba pa.
Sinabi ng Russian Foreign Ministry na ang mga rockets ay mula sa Avdiivka. Kyiv na tumama sa Kirovsky district.
Itinuturing aniya ng Russia na ang ginawa na ito ng Ukraine ay isang barbaric act.
Naglunsad na ang imbestigasyon ang Russia’s Investigative Committee at tiniyak nila na kanilang pananagutin ang mga responsable sa atake.










