-- Advertisements --
Naglunsad ng imbestigasyon ang Ukraine sa pagpatay umano ng mga sundalo ng Russia sa dalawang sundalo nila na sumuko na.
Ayon sa Ukrainian prosecutors na ipinakalat ng Russia ang video kung saan ilang mga grupo ng kalalakihan na naka-uniporme ng sundalo ng Russia at walang awang pinagbabaril ang mga dalawang sundalo ng Ukraine .
Mula ng lusubin ng Russia ang Ukraine noong Pebrero 2022 ay kapwa nagbatuhan ng akusasyon ang dalawang panig ukol sa nagaganap na pang-aabuso.
Ang pagpatay umano sa mga prisoners of war ay maituturing na paglabag sa laws and customs of war kasama na ang intentional murder at isa umano itong grave international crime.










