-- Advertisements --
Hiniling ni Ukrainian first lady Olena Zelenska sa US na magpadala ng air defense system sa kanilang bansa dahil sa patuloy na pag-atake ng Russia.
Isinagawa ng Ukrainian ang panawagan ng personal ito ng nagtungo sa US at nagsalita sa harap ng mga mambabatas.
Sinabi nito na hindi pa natatapos ang giyera sa kanilang bansa at mahalaga ang nasabing air defense ng US para hindi dadami ang bilang ng mga madadamay na sibilyan.
Nagpasalamat din ito sa mga tulong na naibigay ng US mula ng magsimula ang paglusob sa kanila ng Russia.