-- Advertisements --

Nanawagan si Ukraine Foreign Minister Dmytro Kuleba sa mga bansa na bigyan sila ng makabagong missile defense system.

Kasunod ito sa ginawang missile attack ng Russia sa Odesa Region na ikinasawi ng mahigit 20 katao at ikinasugat ng halos 40 iba pa.

Sinabi nito na nais nila kasing tapatan at gantihan ang ginawang ito ng Russia.

Patuloy din ang panawagan nito sa mga bansa na tulungan sila para matigil na ang kaguluhan.