-- Advertisements --
Tinaasan ng United Kingdom ang kanilang defense spending ng hanggang $6 bilyon.
Ang nasabing hakbang ay dahil sa tumataas na banta mula sa Russia at China.
Ito ang inanunsiyo ni British Prime Minister Rishi Sunak sa pagdalo nito sa AUKUS Summit kasama ang US at Australia.
Paglilinaw nito na ang halaga ay ipapakalat ng hanggang sa dalawang taon.
Ang nasabing halaga ay base na rin sa napagkasunduan ng mga mambabatas sa UK.