-- Advertisements --
Pagbabawalan ng United Kingdom ang paglipad ng mga eroplano ng Russia sa kanilang airspace.
Ayon sa UK Department For Transport na kanila ng inabisuhan ang mga airline companies na inooperate ng mga Russian companies.
Nakasaad din dito ang pagbabawal ng paglipad ng Russian aircraft mula sa territorial airspace na sakop ng UK.
Ang nasabing airspace ban ng UK laban sa Russia ay magtatapos ng hanggang Mayo 23.
Isa sa maaapektuhan dito ay ang Russian airline na Aeroflot na mayroong direct flights sa pagitan ng Moscow at London-Heathrow ganun din sa Gatwick.