-- Advertisements --

Nagtalaga ang United Kingdom ng bagong Ambassador sa Pilipinas.

Ginawa ng UK Foreign, Commonwealth and Development Office ang naturang anunsiyo sa kanilang official website.

Ayon sa tanggapan, itinalaga si Sarah Anne Pascale Hulton bilang His Majesty’s Ambassador to the Republic of the Philippines at His Majesty’s non-resident Ambassador to the Republic of Palau.

Papalitan niya ang kasalukuyang British Ambassador to the Philippines and Palau na si Laure Beaufils.

Inaasahang opisyal na uupo sa pwesto ang bagong envoy sa Setyembre ng kasalukuyang taon.

Samanatala, sa kaniyang X account, nagpaabot ng pagbati si Beaufils sa kaniyang successor na aniya’y magiging kahanga-hangang ambassador at inilarawan na may pagmamahal sa parehong bansa gaya niya.