
Nakatakdang magpadala ng mga Challenger 2 tanks sa Ukraine ang United Kingdom bilang pagtupad sa pangakong tulong nito laban sa China.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na susuplayan ng isang Western country ang nasabin bansa ng mga heavy tanks na matagal na nitong ipinapanawagan.
Sa isang pahayag ay nanindigan si British Prime Minister Rishi Sunak sa kaniyang desisyon na layong ipahayag ang mas pinaigting pang suporta nito Ukraine.
Sa kabila ito ng mga babala mula sa Russian embassy sa UK hinggil sa posibleng paglala ng kaguluhan sa nasabing lugar dulot ng pagtulong na ito ni Sunak kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa pagpoprotekta ng kaniyang bansa.
Samantala, sa isang pahayag naman ay nagpaabot ng pasasalamat si Zelensky sa UK dahil sa pagbibigay tulong nito.
Kung maalala, una nang tumulong sa Ukraine ang mga European allies nito sa pamamagitan ng pagpapadala ng mahigit 300 modernized Soviet tanks mula nang lusubin ito ng Russia noong Pebrero 2022.










