-- Advertisements --

Inaprubahan ng United Kingdom health regulators ang COVID-19 boosters vaccine na gawa ng kumpanyang Pfizer- BioNTech.

Ang nasabing bakuna aniya ay kayang sugpuin ang Omicron variant BA.4 at BA.5 ganun din ang original coronavirus strain.

Ayon sa UK Medicines and Healthcare products Regulatory Agency (MHRA) na ang bakuna ay maaaring magamit bilang booster doser sa mga taong may edad 12 pataas.

Lahat aniya ng mga naaprubahan COVID booster vaccine ay kayang tumulong at mag-improve ng protection mula sa bakuna.

Magbibigay din aniya ito ng mas mahabang protection para maiwasan na makaranas ng matinding sakit.