-- Advertisements --
Magtutulungan ang Britanya at Japan para sa paggawa ng makabagong fighter jet program.
Makaksama rin nila ang Italy na siyang matagal ng partner ng Britanya.
Malapit ng malagdaan ng dalawang bansa ang kasunduan para sa next-generation Tempest at F-X fighter jet program.
Inaasahan na matatapos ang nasabing kasunduan hanggang sa katapusan ng taon.
Nauna ng sinabi ni British Prime Minister Boris Johnson na seryoso ang kanilang bansa na makipagtulungan sa Japan para sa makabagong fighter jet program.