Inaprubahan na ng United Kingdom ang extradition sa US ni Wikileaks founder Julian Assange.
Ayon kay UK Home Secretary Priti Patel, na binigyan sila ng 14 na araw si Assange na iapela ang nasbing desisyon.
Nakasaad sa desisyon ng korte na ang extradition ay hindi kumokontra sa karapatang pantao at habang ito ay nasa US ay matitiyak na siya ay maitatrato ng tama.
Si Assange ay pinaghahanap sa US dahil sa pagsiwalat nito ng mga sensitibong dokumento mula 2010 at 2011 na may kinalaman sa giyera sa Iraq at Afghanistan.
Kasalukuyan kasing nakakulong ang Australian national sa Belmarsh prison sa London para maiwasan ang extradition.
Ipinagtanggol naman ng asawa ni Assange na si Stella at sinabing walang ginawang masama ang asawa at siya ay journalist na ginagawa lamang ang trabaho.
Ang media-company na Wikileaks ay isang whistle-blowing platform na naglalathala ng mga classified materials mula sa hindi malamang sources.










