-- Advertisements --

Nagkasundo sina Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Cirilito Sobejana at US Army Pacific (USARPAC) Commanding General Gen. Paul J. Lacamera na palakasin pa ang ugnayan ng dalawang Army.

Ito’y sa pamamagitan ng pag-uusap sa telepono ng dalawang heneral nitong Miyerkules, kung saan tinalakay ang nalalapit na bilateral training ng dalawang Army sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Kapwa nagpahayag ang dalawang heneral ng kanilang pag-aantabay sa nalalapit na pag-co-host ng virtual Indo-Pacific Armies Management Seminar (IPAMS) at Senior Enlisted Leaders Forum (SELF) 2020.

Gayundin ang virtual staff exercise sa pagitan ng Philippine Army Brigade Combat Team at USARPAC 5th Security Assistance Brigade.

Pinagusapan din ng dalawang heneral ang sitwasyon dulot ng COVID-19 at ang epekto nito sa seguridad ng bansa.

Tiniyak naman ni Sobejana sa kanyang US counterpart na sa kabila ng mga hamon na dulot ng pandemya, nananatiling mataas ang motivation ng mga sundalo dahil sa pag-prioritize ng Philippine Army sa kalusugan ng mga tropa.

Sinabi ni Sobejana na sa panahon ng pandemya, mahalagang isulong ng Philippine Army ang kooperasyon sa kanyang mga “foreign counterparts” upang maging mas “capable” na tumugon sa mga bagong hamon dulot ng sitwasyon.