-- Advertisements --
Nagpasya si UFC great Amanda Nunes na magretiro na sa paglaban.
Isinagawa nito ang anunsiyo ng pagreretiro matapos ang panalo kay Irene Aldana sa UFC 289.
Nagwagi ang 35-anyos na si Nunes sa pamamagitan ng unanimous decision sa laban na ginanap sa Vancouver.
Hawak nito ang featherweight at bantamweight titles sa kaniyang pagreretiro.
Sa loob ng 15 taon na UFC career ay mayroon na siyang 23 panalo at limang talo na record.