-- Advertisements --
PARIS AIRPORT

Kinumpirma ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na plano na nitong wakasan ang mga mandatory COVID-19 tests para sa mga manlalakbay mula sa China.

Plano ng Centers for Disease Control and Prevention na i-drop ang mga kinakailangang requirements sa pagsusuri na ipinataw noong unang bahagi ng Enero.

Dagdag dito, inilagay public health measure upang protektahan ang mga mamamayan at komunidad ng United States habang nagsusumikap ito na tukuyin ang laki ng pag-akyat ng COVID19 sa kanilang estado.

Sinabi ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention na patuloy nitong susubaybayan ang mga kaso ng nakamamatay na sakit sa China at sa buong mundo.

Giit pa ng ahensya na ipagpapatuloy nito ang genomic sequencing program sa mga piling paliparan na humihiling sa mga manlalakbay na magboluntaryo upang tumulong sa maagang pagtuklas ng mga bagong variant ng COVID19.