Naglabas ng abiso ang United Nations para sa mga bansa sa Southeast Asia na pag-aralang mabuti kung paano maihahanda ang ekonomiya sa susunod na mga pandemic.
Kasama rin sa kritikal na misyong ito na talakayin ang mga hakbang upang maging tulay sa pagkakawatak-watak nang paniniwala ng publiko hinggil sa karapatang pantao at governance practices.
“One pathway could lead to a prolonged, deep recession, exacerbated by closed borders and characterized by rising social tensions, vulnerabilities and a return to environmentally unsustainable development,” saad sa report.
Ayon pa sa inilabas na policy report ng UN, naging daan umano ang COVID-19 pandemic upang isiwalat ang mga tunay na problema sa Southeast Asia sa kabila ng magandang economic performance na ipinapakita nito bago ang pandemic.
“The second pathway involves adopting globally and regionally coordinated policies that recognize the imperative of an inclusive, resilient and sustainable approach to development.”
Hinikayat naman ni U.N. Secretary General Antonio Guterres na patatagin ng mga bansa ang kanilang health care systems at maging alerto na rin sa vulnerable populations.
“The current situation is leading to recession and social tensions,” wika ni U.N. Secretary-General Antonio Guterres.