-- Advertisements --

Inaasahan na ang muling pagbabalik sa serbisyo ni British Prime Minister Boris Johnson matapos magpositibo sa COVID-19 noong Marso.

Dumiretso kaagad si Johnson sa kaniyang tahanan sa Chequers kasunod nang paglabas nito mula sa St. Thomas’ Hospital sa London kung saan siya naka-admit.

Labis naman ang pasasalamat ni Johnson sa lahat ng medical staff na tumulong sa kaniya.

Si Jonson ang kauna-unahang world leader na nagpositibo sa nakamamatay na virus.

Ngunit bago pa man ito maospital ay kabi-kabilang kritisismo na ang ibinato sa kaniya dahil sa di-umano’y mabagal na pagtugon nito sa pandemic.