-- Advertisements --

Dumepensa si Davao 1st District Representative Paolo Duterte kaugnay ng reklamong inihain ni Act Teachers Party-list Representative Antonio Tinio sa Ombudsman.

Ang reklamo ay naglalayong paimbestigahan ang umano’y iregularidad sa 121 flood control projects sa Davao City na nagkakahalaga ng P4.4 bilyon, na nagsimula pa noong 2019 hanggang 2022.

Sa kanyang pahayag, tinanong ni Duterte kung bakit hindi pa iniimbestigahan ni Tinio ang mga engineers, kontraktor, at iba pang politiko na sangkot sa mga maanomalyang proyekto.

Binatikos din niya si Tinio at pinaalalahanan na huwag kalimutan ang tunay na mandato ng ACT Teachers Party-list, na nakatuon sa pagsusulong ng mas mataas na antas ng edukasyon.

Aniya, marahil ito ang nangyayari kapag ang isang party-list representative ay nakakalimot sa kanyang mandato.

Ang ACT Teachers ay dapat nakatuon sa mga guro, mga silid-aralan, sahod, at sa kinabukasan ng mga estudyanteng Pilipino.