Nagwagi si World Boxing Council heavyweight champion Tyson Fury laban kay dating UFC fighter Francis Ngannou sa kanilang exhibition fight sa Saudi Arabia.
Unang pinatumba kasi ng 37-anyos na si Ngannou si Fury sa ikatlong round sa pamamagitan ng kaniyang kaliwang hook.
Nagbigay ang isang judge ng 95-94 na score pabor kay Ngannou habang ang dalawang judge ay nagbigay ng 96-93 at 95-94 kay Fury.
Aminado si Fury na nabigla siya sa pagkabagsak niya kaya humanga ito kay Ngannou.
Ito kasi ang unang professional boxing fight ni Ngannou na sa unang round ay talagang ipinakita niya ang kaniyang pagiging agresibo.
Dahil sa panalo ay inaasahan ng matutuloy ang paghaharap nito kay Oleksandr Usyk na may hawak ng WBA, WBO at IBF titles.
Una na itong itinakda sa Disyembre 23 subalit dahil sa mga sugat na tinamo ni Fury ay maaring maantala pa ito para mabigyang ng araw na ito ay gumaling.