-- Advertisements --

Handang bumalik sa boxing ring si WBC heavyweight champion Tyson Fury kapag mayroong magandang premyo.

Ayon sa British boxer na hindi ito mag-aalinlangang makaharap sina Anthony Joshua o si Oleksandr Usyk kung ang nakatayang premyo ay may kalakihang halaga.

Inamin kasi ng 33-anyos na si Fury nakausap na niay ang kaniyang promoter na si Frank Warren at kanilang tinalakay ang posibilidad na pagbabalik nito sa boxing.

Noong Abril kasi ng talunin niya ang kapwa British boxer na si Dillian Whyte ay sinunod niya ang payo ng asawa na magretiro na lamang siya sa boxing.