Muling bumalik bilang top Finals MVP contender ang star guard ng Indiana Pacers na si Tyrese Haliburton.
Sa inilabas ng liga na listahan ng mga Finals MVP contender ngayong araw, June 13, nangunguna rito si Haliburton habang pumapangalawa si Thunder guard Shai Gilgeous-Alexander.
Pumangatlo si Pacers forward Pascal Siakam, habang sumunod sina Thunder forward Jalen Williams at Pacers guard Andrew Nembhard.
Kasunod ng Game 3 win ng Pacers laban sa Thunder, muling tumaas ang tyansa ni Haliburton na maging Finals MVP, hawak ang 17.7 points per game, 7.3 rebounds per game, at 7.7 assists per game sa tatlong Finals appearance.
Nagagawa ito ng bagitong guard sa kabila ng hindi paggawad sa kaniya ng free throw kung saan sa buong finals series ay hindi pa siya ginagawaran ng free throw
Maalalang sa Western Conference Finals ay hindi napunta kay Haliburton ang MVP award at sa halip at nakuha ito ni Pascal Siakam, ang leading scorer at rebounder ng Indiana sa Finals.
Sina Siakam at Haliburton ay kapwa nangunguna sa Pacers pagdating sa scoring at rebounding ability, daan upang iposte ng koponan ang 2-1 lead laban sa kasalukuyang top team ng NBA na Thunder.
Samantala, ang No. 2 contender na si Shai ay nananatiling top scorer sa NBA Finals, hawak ang 32 ppg, 6 rpg, at 5 apg sa loob ng tatlong game na inilaro sa naturang serye.
Bukas, May 14, muling maghaharap ang Thunder at Pacers sa Gainbridge Fieldhouse sa Indianapolis, ang kasalukuyang homecourt ng Indiana.