-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Dallas Mavericks player Tyrell Terry ang kanilang pagreretiro sa basketball.

Sa kaniyang social media sinabi ng 22-anyos na si Terry na nakakaranas siya ng anxiety dahil sa paglalaro ng basketball.

Tinawag nito na isa sa pinakamadilim na bahagi ng kaniyang buhay ang paglalaro sa basketball kay nagpasya itong magretiro.

Si Terry ay pang-31st overall pick ng Mavs noong 2020 NBA Draft.

Naglaro ito ng 11 games sa Dallas at umalis siya sa koponan noong Oktubre 2021.

Matapos noon ay pumirma siya ng kontrata sa Memphis Grizzles na dalawang beses na naglaro sa koponan.

Pinasalamatan nito ang mga naniwala sa kaniya at humingi siya ng paumanhin sa mga nadismaya niya dahil sa maagang pagreretiro sa basketball.