-- Advertisements --
1

Ilang oras na lamang ay papasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Nanmadol, at tatawagin itong bagyong Josie ayon iyan sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,500 kms sa silangang bahagi ng extreme northern Luzon.

Taglay nito ngayon ang hangin na 140 kph malapit sa gitna at may bugso ng hangin na umaabot na sa 170 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran sa bilis na 15 kph

Sa kasalukuyan ay walang direct effect ang bagyo sa kalupaan ng Pilipinas ngunit malawak ang sakop ng bagyong Nanmadol na nagpapaigting sa habagat. (With reports from Bombo JC Galvez)