BOMBO DAGUPAN – Nag iwan ng ilang kataong patay, walo ang nawawala at maraming pinsala ang pananalasa ng typhoon Hinnamnor sa South Korea.
Ayon kay Aluh Abendan, Bombo International correspondent sa South Korea, ang Typhoon Hinnamnor ang ikatlong pinakamalakas na bagyo na dumaan sa nasabing bansa.
Una rito ang bagyong Hinnamnor ay tinawag sa South Korea bilang “one of the most powerful” sa nakalipas na mga dekada.
Sinabi ni Abendan na sa lakas ng bagyo ay maraming bahay at sasakyan ang inanod ng malaking baha sa Southern region partikular sa lugar ng Pohang.
Pinakaapektado din ng bagyo ang bahagi ng Busan at Jeju Island.
Saad naman niya sa kanilang kinaroroonan sa Seoul ay hindi gaanong tinamaan ng bagyo.
Ang nararanasan nilang pagulan at kaunting hangin ay maikukumpara umano sa signal number 1 na storm signal sa Pilipinas.