-- Advertisements --
Nag-landfall na ang sentro ng super typhoon na si Hagibis sa Shizuoka Prefecture sa Izu Peninsula nitong Sabado bago mag-alas-7:00 ng gabi oras sa Japan.
Ayon sa mga eksperto, record-breaking ang dalang ulan ng bagyo, kasama ang malalakas na hangin na nagdulot ng matinding mga pagbaha sa mga lugar ng central hanggang northern Japan.
Kanina lamang inilagay ang level 5 special warning ng Japan bilang pinakamataas na inisyu ng Japan Meteorological Agency.
Ang pinakamataas na babala ay batay sa five-step scale ng ahensiya.
Ang iba pang mga probinsiya na apektado ay ang Kanagawa Prefecture, Tokyo, Saitama Prefecture, Gunma Prefecture, Yamanashi Prefecture at Nagano Prefecture.