-- Advertisements --
Nasuspendi ang mga social media account ng rapper na si Kanye West.
Kasunod ito sa pagpost niya ng mga anti-Semitic messages sa kaniyang Twitter at Instagram.
Inakusahan kasi nito ang kapwa rapper na si Diddy na siya ay kinokontrol ng mga Jewish.
Tinanggal na rin ng nasabing social media platform ang nasabing mga post ng rapper.
Nagsimula ang insidente sa Paris fashion week kung saan binatikos ang rapper dahil sa pagsuot nito ng “white lives matter” na t-shirt.
Nagamit din ang nasabing logo ni Selah Marley ang anak ng singer na si Lauryn Hill at apo ng legendary rocker na si Bob Marley.
Tinagurian kasi ng Anti-Defamation League ito bilang “hate speech” na tumatalakay sa white supremacists.