Hindi nasindak ng coronavirus disease (COVID-19) outbreak ang pagmamahalan ng TV host at model na si Jinri Park at kanyang non-showbiz partner matapos ikasal sa Australia

“I can’t wait till the virus dies down so I can wear my wedding dress and have my dad walk me down the aisle.”

Makikita sa Instagram post ang matamis na halik at simpleng pag-iisang dibdib nila Jinri at John sa isang simbahan sa Sydney.

Nitong March 21 sana ang schedule ng kasal ng model at kanyang Australia-based partner.

“Today was our wedding day but due to the virus we decided to postpone it. We still went to the church to legally sign the registry and got married. The weather was perfect and we had John’s family there to witness.

Nitong December 2019 nang unang ikasal ang dalawa sa South Korea.

Dati ring radio DJ sa Pilipinas si Jinri, at minsan ng napasama sa Top 10 sexiest woman ng isang men’s magazine.