-- Advertisements --

Inaprubahan ng parliyamento ng Turkey ang memberhsip bid ng Sweden sa North Atlantic Treaty Organization.

Dahil dito ay nalalapit na ang Sweden na makasali sa military alliance matapos ang ilang buwan na pagkakaantala.

Sa 346 miyembro ng parliyamento, mayroong 287 ang pumabor habang 55 ang hindi pumabor at apat naman ang nag-abstain sa pagboto.

Ito na ang ikalawang hakbang ng ratification process ng Turkey matapos na aprubahan ng Foreign Affairs Commission parliament ang nasabing pag-bid nila noong nakaraang buwan.